Linggo, Agosto 27, 2017

Bakasyon sa Boracay




Maraming ibat ibang lugar na pasyalan dito sa Pilipinas. Isa na dito ang pinakasikat na Boracay Beach Island sa lugar ng Caticlan, Aklan. Tinagurian ito bilang isa sa "7 wonders of the world" at naging Top 4 ito sa "Top 30 World's Beautiful Island" dahilan nito para maging sentro ito ng atraksyon dito sa Pilipinas. 


             Ako si Alyssa at ito ang Travel Story ko 😄😄. Noong ika-25 ng Abril taong 2016 ay nagbakasyon kami ng pamilya ko sa Boracay. Mula sa Cavite ay bumyahe kami papuntang Boracay sa loob ng 24 oras.


             Pagdating pa lang namin doon sandamakmak na litrato ang kinunan namin agad. Isa na dito ang pagpunta namin sa Mandarin Hotel kung saan nagtatrabaho ang aking ama bilang isang Head chef pero tumuloy pa din kami sa Boarding House ng aking Ama.

                 Nang pangalawang araw, nagsimula na kaming mag swimming sa Beach at unang kita ko pa lang dito ay gandang ganda ako sa  dagat. Mula sa maasul na tubig, purong puting buhangin at mabangong simoy ng hangin ay damang dama ko ang tunay na bakasyon. ☺☺

             
  Nang ikatlong araw, sinubukan namin gumamit ng Surfing Board. Unang subok, hindi ko pa kaya pero di nagtagal natutunan ko din ito gamitin.


Nang ikaapat araw na naman, Floating Lessons ang itinuro sa akin ni Ate Dennise upang magamit ko sa paglangoy. Hindi naging madali sa akin ito dail ngayon ko pa lang sinubukan gawin ito.



Ikalimang araw namin sa Boracay ay ang huling araw namin kung saan nagdaos kami ng Last Dinner Night kasama ang pamilya ko. Kumain kami sa Mandarin Hotel & Restaurant at napaisip ko na hindi lang pala dagat ang maganda sa Boracay kundi ang ibat ibang pagkaing natikman namin.

Sa bakasyon naming yun, Hindi lang katuwaan sa Boracay ang napagtanto ko. "Oo, Maganda sa Boracay" pero wala pa din mas gaganda sa kasama mo ang pamilya sa mga pagkakataong masaya lahat kayo. Maganda ang lugar ng Boracay at tunay ngang matatawag itong isa sa mga magagandang lugar sa mundo kayat hindi ko makakalimutan ang pagpunta namin dito.



9 (na) komento: