Maraming ibat ibang lugar na pasyalan dito sa Pilipinas. Isa na dito ang pinakasikat na Boracay Beach Island sa lugar ng Caticlan, Aklan. Tinagurian ito bilang isa sa "7 wonders of the world" at naging Top 4 ito sa "Top 30 World's Beautiful Island" dahilan nito para maging sentro ito ng atraksyon dito sa Pilipinas.
Ako si Alyssa at ito ang Travel Story ko 😄😄. Noong ika-25 ng Abril taong 2016 ay nagbakasyon kami ng pamilya ko sa Boracay. Mula sa Cavite ay bumyahe kami papuntang Boracay sa loob ng 24 oras.
Pagdating pa lang namin doon sandamakmak na litrato ang kinunan namin agad. Isa na dito ang pagpunta namin sa Mandarin Hotel kung saan nagtatrabaho ang aking ama bilang isang Head chef pero tumuloy pa din kami sa Boarding House ng aking Ama.
Nang pangalawang araw, nagsimula na kaming mag swimming sa Beach at unang kita ko pa lang dito ay gandang ganda ako sa dagat. Mula sa maasul na tubig, purong puting buhangin at mabangong simoy ng hangin ay damang dama ko ang tunay na bakasyon. ☺☺



